Saturday, 18 October 2008

lab kowts (part1)


Lahat tayo ay may karapatang magmahal at mahalin..
Lisesyado tayong masaktan.
Isa lang naman ang hindi natin karapatan eh,
Ang mamilit ng pusong hindi ka kayang mahalin.
aaaa



Masakit sumuko sa bagay na matagal mo nang pinaglalaban.
Sa isang iglap,biglang wala na.
Pero sa sarili mo, alam mong kaya mo pa.
Ang masakit, laban ka ng laban, pero *ang*na!
Sinuko ka na pala.
aaaa



10 craziest things pag nalalasing:
-umiiyak kahit walang dahilan.
-nagbibigay ng advice sa kapwa lasing
-kumakanta ng pasintunado
-tinatawagan/tinetext ang ex para makipag-usap ng walang sense.
-nai-inlove nalang bigla
-ginagawang unan yung inidoro
-nagiging galante
-ikini-kwento ang buhay ng buong angkan
-nagiging English-speaking kahit wrong grammar
-panay ang sabi ng “hindi na ko iinom!” habang nagsusuka.
aaaa


Minsan di ko maintindihan sarili ko.
Hindi ko masabi yung totoong nararamdaman ko.
Gusto kong umiyak, pero hindi ko alam yung dahilan.
Bakit nga ba may mga bagay na gusto kong iwanan, pero ako rin yung nasasaktan?
aaaa


Ang mga katulad ko, hindi dapat pinaglalaruan.
Hindi rin niloloko.
Kasi ako, sobrang magmahal at sobra din masaktan.
Iiyak-iyak lang ako, pero pag ako “nasaktan”
Wala nang babalikan.
aaaa


Minsan mahirap magmahal.
Kasi minsan, iiyak ka dahil nasaktan ka, kasi mahal mo siya.
Minsan maiisip mo, nagmamahal ka na, nasasaktan ka pa.
Pero pinakamasakit, yung mahal na mahal mo sya, pero pinaniwala ka lang na mahal ka niya.
aaaa


Wag mong paglalaruan ang taong mahal ka, inintindi at pinaglaban ka.
Dahil baka dumating ang time na sabihin nyang,
“Im just a toy for you. Benta mo nalang kaya ‘ko?”
aaaa

Alam ko takot ka na magmahal.
Takot ka na masaktan.
Takot ka na umiyak at iwanan.
Ako din naman eh. Takot din ako.
Pero kung ikaw din lang naman ang mamahalin ko, magiging matapang ako para sayo.
aaaa


Kahit iwasan mo ang taong nagmamahl sayo,
Kahit ilang ulit mo syang itulak palayo sayo,
Patuloy ka nyang mamahalin.
Dahil kahit nasasaktan sya, alam nya na sayo lang sya liligaya.
aaaa


Never love if you’re not prepared to be hurt.
Never start you don’t have plans to finish.
Never speak if you don’t mean it.
Most importantly, never use someone to move on.
aaaa


Minsan, sinabi nya sayo na special ka.
Umasa ka tuloy. Nagdasal, naghintay.
Tapos nakita mo sya, iba kasama.
Nun mo lang naisip, iba pala ang special, sa ‘mahal’.
aaaa


Magtitiis ako para sayo.
Ibibigay lahat basta kaya ko.
Kakayanin ko ang sakit para sayo.
Para lang malaman mo, kahit malayo na ko sayo, ikaw pa rin ang laman ng puso ko.
aaaa

Paano kung masaya ka na sa piling ko nang malaman mong mahal ka pa rin ng “ex” mo.
Tapos nakikipagbalikan sya sayo, at alam mong mahal mo pa sya.
Papayag ka pa ba?
Kahit alam mong masasaktan ako?
aaaa


Minsan akala natin kaya tayo iniiwan ng mahal natin dahil wala ng pagmamahal, sawa na, pagod na, suko na.
Yun pala, nang-iwan sya dahil GUSTO NYANG MATUTO KA, NA IPAGLABAN SYA.
aaaa


Pag bumalik sayo yung gago mong ‘ex’, at sinabing, “mahal pa kita”.
Sampalin mo! Tapos bigla mong yakapinm at sabihin mo sakanya, “gago ka talaga! Aalis-alis ka, babalik ka rin pala. Pa-kiss nga! Na-miss kaya kita.”
aaaa


Mahirap din pala pag SINERYOSO mo ang mga bagay-bagay.
Kadalasan kaw din yung NASASAKTAN.
Kaya pala ang ibang tao mas minabuti pang MANLOKO kesa MANERYOSO.
aaaa


Takot akong mawala. Takot akong iwanan mo. Takot akong maghanap ka ng iba. Pero sa takot ko, natanong ko sa sarili ko kung, takot ka rin ban a mawala ako sayo?
aaaa


Kung iiwas ka sa taong mahal mo, sasaktan mo lang sarili mo. Pilit kang maglilibang sa iba para lang kalimutan sya. Pero hanggang saan ang pagkukunwari mo kung sya lang talaga laman ng puso’t isipan mo?
aaaa


Paano kung mahal mo ang taong pag-aari na ng iba? Ipaglalaban mo pa ba sya kahit alam mong mali? O, papalayain mo sya kahit alam mong sya lang kulang sa buhay mo?
aaaa


Minsan gusto ko nang makalimot. Kaso, takot akong masaktan. Hindi ko tuloy alam pano ko gagawin, ang sumaya ng hindi lumuluha. Palagay mo, magagawa ko kaya? Ang iwan ang isang taong ayoko na, pero mahal ko pa?
aaaa


Madali maghanap ng taong ipapalit mo sa taong minahal ka ng totoo pero binalewala mo. Pero palagay mo, mamahalin ka din ba ng taong ipinalit mo, gaya ng pagmamahal ng taong iniwanan mo?
aaaa


Masakit isipin na nagmahal ka sa taong alam mong hindi pwedeng mahalin. Hindi maaaring ibigin. Subalit, paano mo sya matututunang kalimutan kung habang dumaraan ang mga araw, mas lalo mo syang minamahal?
aaaa


Minsan hindi ko maintindihan sarili ko. Hindi ko masabi yung totoong nararamdaman ko. Gusto kong umiyak, pero hindi ko alam ang dahilan. Bakit nga ba may mga bagay na gusto kong iwanan na ako rin yung nasasaktan?
aaaa


Mahirap para sakin ang sumuko kasi sabi ko lalaban ako. Pero wala akong magawa. Dahil mismong taong pinaglalaban ko, ang nagsasabing, “pahinga ka na. Kahit anong gawin mo, ayoko na.”
aaaa


Still remember the time we were together? We were laughing and because of so much fun you didn’t hear what I said. You said, “What?” then I said, “Nothing”. But I wasn’t able to tell you, “I’m happy that i met you.”
aaaa


Mahirap magmahal kahit sabihin nya na mahal ka din nya. Hindi ka sure kung totoo. Pero minahal mo parin. Pano kung malaman mong mat iba sya? Pakakawalan mo ba sya? Kahit masakit? Kahit mahirap? Bakit hindi? Mahal mo diba?
aaaa


Mahirap pakawalan ang isang tao nanagpasaya sayo sa maraming pagkakataon. Lalo na kung ang taong pakakawalan mo ay nagbibigay ilaw sa madilim mong mundo at minahal mo ng totoo.
aaaa


Masakit pag nakita mo mahal mo sumama sa iba na wala ka manlang magawa. Pero diba mas masakit kung bago siya umalis, niyakap ka nya at sinabi, “ikaw sana kasama ko kung pinaglaban mo ko.”
aaaa


Pwede kang magmahal kahit ilang ulit pero ang tunay na pagmamahal minsan lang. kaya piliin mong mabuti yung taong mamahalin mo. Yung taong kahit kaylan, at kahit anong mangyari, hindi ka kayang iwan.
aaaa


Mahirap umasa sa wala, mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba. Mahirap magtanggol ng taong wala naming pakialam sayo at higit sa lahat, mahirap masaktan ng wala namang karapatan.
aaaa

No comments:

 
Custom Search